-- Advertisements --

Nakuha ni NBA rookie leader na si Victor Wembanyama ang kanyang kauna-unahang career triple double sa kanilang blowout 130-108 win kontra sa kulelat na Detroit Pistons.

Nakapagtala si Wembanyama ng 16 points, 12 rebounds at 10 assists sa loob lamang ng 21 minuto at walang naitalang turnover.

Umiskor ang walong players ng Spurs ng double figures kasama ang 17 points ni Keldon Johnson at 16 points ni Devin Vassel.

Sa first quarter palang ng laro ay lumubo na ang kalamangan ng Spurs sa iskor na 31-19.

Pagdating ng fourt quarter ay tuluyan ng tinambakan ng Spurs sa pamamagitan ng kanilang magandang opensa.

Naging pinakabatang manlalaro ng Spurs si Wembanyama na makapag-record ng career triple doble.

Sa kasalukuyan may anim lamang na panalo ang Spurs at 30 na pagkatalo kung saan ito ang second-worst record sa kasaysayan ng NBA.