Gumawa ng unique statline ang sophomore na si Victor Wembanyama sa panalo ng San Antonio Spurs kontra Utah Jazz ngayong araw(Nov. 1), 106 – 88.
Naitala ni Wembanyama ang 25 points, 9 rebounds, 7 assists, 5 steals, at 5 blocks sa naging laban.
Ito ang pangalawang 5×5 game sa karera ni Wemby sa kabila ng dalawang taon pa lamang niyang paglalaro sa NBA. Una ay noong nagharap ang Spurs at Los Angeles Lakers nitong Pebrero 23, 2024.
Dahil sa kaniyang dalawang 5×5 game, si Wemby ang pangatlong player sa kasaysayan ng NBA na mayroong multiple 5×5 game, kasama sina Hakeem Olajuwon (6) at Andrei Kirilenko (3).
Samantala, sa naging laban ng Spurs at Jazz, labis na pinahirapan ni Wemby ang opensa ng Utah dahil sa 17 steals na ginawa ng San Antonio.
Dahil dito ay gumawa ng Jazz ng 26 turnover sa kabuuan ng laro.
Maliban kay Wemby, naging maganda rin ang performance ni Chris Paul na kumamada ng 19 points, sampung assists, at pitong rebound.
Ang tanging sagot dito ng Jazz ay ang 14 points, 11 assists ng bench na si John Collins.