-- Advertisements --

Magpapatupad ng panibagong lockdown ang Victoria, Australia para mabantayan ang pagkalat ng bagong UK strain ng coronavirus.

Magsisimula ang lockdown mula Pebrero 12 hanggang Pebreo 17.

Nadiskubre kasi ng mga opisyal ng Victoria ang bagong 13 kaso mula sa quarantine worker na nahawaan ng Melbourne hotel.

Paglilinaw naman ni Victorian Premier Daniel Andrews na ang bagong outbreak ay walang kinalaman sa mga quarantine hotels na ginagamit ng mga tennis players ng Australian Open.