Tinanghal si Miss Denmark Victoria Theilvig bilang bagong reyna sa katatapos na 73rd Miss Universe 2024 na ginanap sa Mexico ngayong araw.
Si Theilvig ang kauna-unahang Miss Universe mula sa Denmark.
Ipinasa ni Sheynnis Palacios ang korona sa isa pang delegado na nanalo ng unang titulo para sa kanilang bansa.
Si Miss Nigeria Chidimma Adetshina ang tinanghal na First Runner up.
Second Runner-up naman si Miss Mexico Maria Fernanda Beltran.
Third Runner-up si Miss Thailand, Suchata Chuangsri at ang Fourth Runner-up ay si Miss Venezuelam Ileana Marquez.
Hindi naman nakapasok sa Top 12 ang Pilipinas na si Chelsea Manalo.
Samantala, maghihintay pa ng isang taon ang Pilipinas sa pagtatapos ng paglalakbay ni Chelsea Manalo representative ng bansa para sa Miss Universe crown bago ang Top 12 cut.
Ang pagkakasama ni Manalo sa Top 30 ay nagbigay ng two year streak sa Pilipinas sa paggawa ng unang cut sa Miss Universe.
Lubos naman ang pasasalamat kay Chelsea sa pag representa nito sa Pilipinas sa 2024 Miss Universe.
Proud pa rin ang mga Filipino kay Chelsea Manalo.