-- Advertisements --

Plantsado na ang gagawing victory parade ng Boston Celtics matapos na makamit nila ang kanilang ika-18th championship ng talunin ang Dallas Mavericks.

Ayon kay Boston Mayor Michelle Wu na gaganapin sa araw ng Sabado oras sa Pilipinas ang nasabing victory parade.

Magsisimula umano ang parada sa home court ng koponan sa TD Garden at iikot sa ilang bahagi ng Boston gaya sa Causeway Street, City Hall Palza, Boston Common at magtatapos ito sa Hynes Convention Center.

Pinaghahandaan ng Boston government ang nasabing parada lalo na at inaasahan nila ang matinding init ng panahon.

Hindi naman binanggit kung sino ang mga dadalo na celebrities at mga dating NBA o atleta sa nasabing parada.

Magugunitang pinataob ang Celtics ang Mavericks sa Game 5 Finals sa mismong homecrowd ng Boston.

Sa nasabing panalo ay tinapos na ng Celtics ang matagal ng pagiging tabla nila ng Los Angeles Lakers sa may pinakamaraming championship sa kasaysayan ng NBA.

Kinilala rin si Jaylen Brown bilang Bill Russell NBA Finals Most Valuable Player award matapos ang laro.