-- Advertisements --
Patuloy pa ring umaani ng atensiyon ang video ng foreign minister mula sa South Pacific Island na Tuvalu, na nagtatalumpati habang nakalubog ng hanggang sa tuhod sa dagat.
Ang video ni Tuvalu Foreign Minister Simon Kofe na ipinadala sa UN climate change summit sa Glasgow, Scotland ay upang bigyang diin ang apekto ng pagbabago ng klima o kalikasan sa isang tulad nila na island nation.
Ayon sa mga lider ng Tuvalo, ang real life situation na pagtatalumpati sa dagat ay upang ipamukha sa mga lider sa buong mundo ang masamang epekto ng pagtaas ng lebel ng tubig-dagat sa mga mamayan sa mga isla bunsod na rin nang pag-init ng mundo.