-- Advertisements --

Naniniwala ang militar na propaganda lamang ng Maute-ISIS terror group ang inilabas na video kung saan nagsasalita ang isang pari at hiniling nito kay Pangulong Rodrigo Duterte na itigil na ang military operations sa Marawi City.

Ayon kay 1st Infantry Division spokesperson Lt. Col. Jo-Arr Herrera na malinaw na ang nasabing video ay taktika ng Maute na gamitin ang kanilang mga bihag para manawagan sa pamahalaan na itigil na ang military operations sa Marawi.

Sa ngayon no comment pa ang militar kaugnay sa nasabing video.

Sinabi ni Herrera na kahit paano may dulot na magandang balita ang paglabas ng nasabing video.

Ang magandang balita dito ay nakita na buhay pa ang mga bihag na hawak ng teroristang Maute.

Una ng sinabi ni AFP spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla na kailangan nilang ivalidate ang nasabing video bago pa man sila magbigay ng reaksiyon.