CENTRAL MINDANAO – Sa layuning mas mabigyan ng diin ang information dissemination kontra COVID-19, sinimulan na kahapon ang pagpapalabas sa pamamagitan ng video presentation sa mga simbahan sa lungsod ang panghihikayat ng mga senior citizens na matagumpay na nagpabakuna kontra sa sakit.
April 30, 2021 ng ipamahagi ng city government of Kidapawan sa pamamagitan ng City Health Office at City Epidemiology and Surveillance Unit o CESU ang video documentation sa mga nakakatanda na nauna ng nabigyan ng Sino vaccine sa roll out vaccination para sa mga nasa ilalim ng A2 Priority List ng pamahalaan.
Sa pamamagitan nito ay makukumbinsi ang maraming nagsisimba na magpabakuna na kontra Covid19.
Maalaalang isinagawa ng city government ang pagbabakuna ng may 419 na mga senior citizens mula sa barangay Poblacion, Sudapin, Singao, Lanao at Manongol nitong April 21-23, 2021.
Halos may mga โcontrolled co-morbiditiesโ o umiinom ng maintenance medicine kontra hypertension, diabetes, asthma at iba pang sakit ang mga nagpabakunang senior citizens sa roll out vaccination program na ginawa ng city government.
Walang dapat katakutan ang mga magpapabakuna, ayon pa sa mga nakakatanda na nabigyan ng anti-COVID-9 vaccine dahil na rin sa tama at maayos na pagbibigay impormasyon ng Pamahalaan.
Mas malaki ang benepisyo na hindi magkakakomplikasyon sa sakit kaysa magka-COVID.
Anila, sabay ang panghihikayat din sa lahat na huwag maniniwala sa mga maling impormasyon patungkol sa pagbabakuna.
Ipinalabas ang video presentation dahil na rin sa kahilingan ng iilang religious communities na makatulong sa pagbibigay ng tamang impormasyon patungkol sa anti-covid19 vaccination.
Kaugnay nito ay patuloy na ipinananawagan ng CESU ang lahat ng mga persons with co-morbidities na kasali sa A3 priority list sa vaccination roll out na magpalista na sa kani-kanilang barangay upang mabigyan ng bakuna