-- Advertisements --

Humiling pa ng ilang araw ang Vietnam para pagdesisyunan ang kapalaran ng Southeast Asian Games kung ito ba ay matutuloy o kakanselahin.

Sinabi ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino na humirit ng 14 na araw ang Vietnam bago nila pagdesisyunan kung matutuloy ba o iaantala ang torneyo.

Sa isinagawang isang oras na virtual meeting ng mga miyembro ng SEA Games Federation ay desidido ang Vietnam na ituloy pa rin ito subalit maraming mga bansa ang hindi sang-ayon dahil sa banta pa rin ng COVID-19.

Itinakda sa Nobyembre 21 hanggang Disyembre 2 ang SEA Games kung saan plano nila itong ilipat sa Hulyo 2022.

Nasa walong member countries naman ng SEA Games Federation ang sinubukang hikayatin ang Vietnam na ituloy ang nasabing torneyo.