-- Advertisements --

Umapela ang health ministry ng Vietnam sa mga private hospitals na tulungan silang tumanggap ng mga pasyente dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Delta variant.

Ayon sa pahayag ng health ministry na problemado sila ngayong sa nasabing pagtaas ng kaso ng Delta variant.

Nakapagtala kasi ang bans ng 133,000 na kaso ng Delta variant ang nasabing bansa.

Nagdagdag ang Vietnam ng 20,000 na hospital beds sa 228 private hospital sa bansa.

Nagkakaubusan na kasi ang mga hospital beds sa Ho Chi Minh City na itinuturing na epicenter ng virus sa Vietnam.