-- Advertisements --
Nagpahayag ng interest ang Vietnamn sa pagbili ng COVID-19 vaccine na gawa ng Russia.
Ayon sa health ministry ng Vietnam na ito muna ang kanilang gagamitin bilang paglaban sa tumataas na bilang ng kaso ng coronavirus sa kanilang bansa.
Ito ang kanilang naisip na paraan habang wala pang naiibento ang kanilang bansa ng gamot laban sa virus.
Hindi naman nila binanggit kung ilang piraso ang kanilang bibilihin sa Russia.
Magugunitang unang hinangaan ang Vietnam dahil sa mabilis nilang napigilan ang pagkalat ng virus sa agresibong testing, contact tracing at quarantining subalit tumaas muli ang kaso nitong Hulyo 25.