-- Advertisements --
Ibinunyag ng Center for Strategic and International Studies (CSIS) ng US na binibilisan ng Vietnam ang kanilang pagdadraga at paggawa ng isla sa Spratly Island sa West Philippine Sea.
Base sa kanilang pag-aaral na mula 2012 hanggang 2022 ay mayroong mahigit 48 hektarya na ang kanilang naitayo.
Ibihagi rin ng grupo ang mga satteliet images sa nasabing isla.
Dahil sa nasabing pagtatayo ng isla ay sila na ang pangalawa sa China na may itinayong isla sa nasabing lugar.
Magugunitang pinag-aagawan ng mga bansang China, Brunei, Malaysia, Taiwan, Vietnam at Pilipinas ang Spratly Islands.