-- Advertisements --
Nagbigay ang Vietnam bilang donasyon ng aabot sa $50,000 halaga ng RT-PCR test kits sa bansa.
Sinabi ni Department of Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr, na ipinamahagi ito sa pamamagitan ng Department of Health.
Tinanggap mismo ni DOH Undersecratay Carolina Taino ang nasabing mga donasyon mula sa Vietnamese Ambassador to the Philippines Hoang Huy Chung sa isinagawang ceremonial turnover sa kanilang opisina sa Pasay City.
Agad naman na idiniliver ang test kits sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ang nasabing mga test kits.