-- Advertisements --
Kinumpirma ng Vietnam na naitala ngayong araw sa kanilang bansa ang kauna-unahang kaso ng pagkamatay sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito’y matapos bawian ng buhay ang isang matandang lalaki na dinapuan ng virus sa siyudad ng Danang kung saan muling umusbong ang virus sa bansa matapos ang mahigit tatlong buwan.
Batay sa ulat, ang 70-anyos na lalaki ay sumakabilang buhay nitong Biyernes ng umaga.
Ngayong Biyernes din nang maitala ng mga otoridad ang 45 bagong kaso ng coronavirus sa bansa, na pinakamalaking talon sa bilang ng mga COVID-19 cases.
Kaya naman, pumalo na sa 509 ang bilang ng mga naitalang nagpositibo sa COVID-19 sa Vietnam. (Reuters)