-- Advertisements --

Nagbitiw sa kaniyang puwesto si Vietnam President Nguyen Xuan Phuc.

Ang hakbang ay matapos ang lumabas na usapin na nakatakda siyang patalsikin ng ilang mga ministers ng kaniyang bansa.

Inakusahan rin siya ng communist party na pinamunuan niya ang mga senior ministers sa ilalim niya noong 2016 hanggang 2021 bago maging prime minister.

Noong nakaraang mga linggo ay dalawang deputy prime ministers ang sinibak sa puwesto dahil sa anti-corruption drive ng gobyerno na nagresulta rin sa pagkaaresto ng ilang mga opisyal.

Dahil sa dami ng mga inarestong opisyal na sangkot sa kurapsyon ay inako na ni Phuc ito.