Mayroong hanggang sa susunod na buwan ang Vietnam para pagdesisyunan kung matutuloy ang pagsasagawa ng 31st Southeast Asian Games.
Sinabi ni Philippine Olympic Committee (POC) president Pres. Abraham “Bambol” Tolentino na binigyan ng SEA Games Federation ang Vietnam para pagdesisyunan kung kanila bang itutuloy o kakanselahin ang nasabing torneo.
Ito rin aniya napag-usapan noong isagawa ang online federation meeting na kinabibilangan ng 11 member countries.
Isang hamon ngayon na kakaharapin ng Vietnam ay dahil mayroong tatlong major Asian at dalawang international competitions sa 2022.
Gaganapin kasi ang Asian Indoor and Martial Arts Games mula Marso 10 hanggang 20 sa Thailand, ang Asian Games naman sa Hangzhou ay gaganapin mula Setyembre 10-25 a ang Asian Youth Games ay gagawin mula Disyembre 20-28 sa Shantou.