-- Advertisements --
Nagdesisyon ang Southeast Asian Games Federation na ipagpaliban na ang 2021 Hanoi Games dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19 sa Vietnam.
Ito mismo ang kinumpirma ni Philippine Olympic President Abraham “Bambol” Tolentino matapos ang pagdalo nito ng pagpupulong ng kinatawan ng Southeast Asian Games Federation.
Gaganapin na lamang ito sa susunod na taon at binigyan nila ng 10 araw ang Vietnam para magdesisyon sa bagong petsa ng Biennial meet.
Posible sa kalagitnaano ng 2022 ito gawin o maaring sa Setyembre sa susunod na taon.