-- Advertisements --

Desidido ang health ministry ng Vietnam na mabakunahan ang lahat ng mga adult population ng one shot ng COVID-19 vaccines ng hanggang Setyembre 15.

Target dito ay ang lugar ng Ho Chi Minh City at Hanoi na siyang itinuturing epicenter ng COVID-19 sa bansa.

Isa kasi ang Vietnam na may pinakamababang vaccination rates na mayroon lamang 3.3% ang nabakunahan sa 98 milyon ang nabigyan ng dalawang doses habang 15.4% lamang naturukan ng first dose.

Umabot na kasi sa mahigit 13,000 na ang nasawi matapos dapuan ng COVID-19.