-- Advertisements --

Tiyak na ang hosting ng Vietnam ng 31st Southeast Asian Games sa darating na Mayo 21 hanggang 25.

Sinabi ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino, na nagsagawa na sila ng kauna-unahang pagpupulong ng mga chef de missions.

Kabilang kasi si Tolentino na dumalo sa virtual meeting kasama si Team Philippines chef de mission Ramon Fernandez.

Dito ay inilatag ng host country ang mga timelines at ipinakita rina ng soft copies ng Games manual na ibinahagi sa mga miyembro.

Magugunitang unang itinakda ang laro noong Nobyembre 21 hanggang Disyembre 2, 2021 subalit dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 ay kanila itong ipinagpaliban.

Magpapadala ang bansa ng 627 na atleta na lalahok sa 39 ng 40 sports ng torneo.

Tanging ang larong xiangqi o elephant chess ang hindi lalahukan ng bansa pero naglagay sila ng kalahok sa bodybuilding na ibinalik ngayong SEA Games na pansamantalang itinigil noon dahil sa doping isyus noon.