-- Advertisements --
Satellite image of Mischief Reef in the Spratly Islands from the Center for Strategic and International Studies

Hindi na rin nagpaiwan sa China ang Vietnam sa pagpapalakas ng kanilang pwersa sa South China Sea.

Batay sa report ng Washington-based think tank na Asia Maritime Transparency Initiative (AMTI), nag-extend ang Hanoi ng kanilang runway sa Spratly Islands, kung saan matatagpuan ang kanilang pinakamalaking administrative center outpost.

Pero sa paghahambing ng AMTI, mas mapaminsala umano ang ginagawang paglikha ng China ng malaking espasyo para sa kanilang mga pasilidad, kumpara sa Vietnam na dahan-dahan at maingat ang ginagawang pagtambak.

Bago ito, ilang mangingisda sa Ilocos ang nagpaabot ng reklamo dahil sa pagpasok ng Vietnamese fishermen sa mga lugar na kanilang pangisdaan.

Habang sa West Philippine Sea ay problema naman ng mga Pinoy ang daan-daang barko ng mga Chinese, na kung minsan ay nagtataboy pa sa mga namamalakayang residente ng Palawan, Zambales at mga karatig na lugar.

Vietnam facilities in South China sea (photo from Asia Maritime Transparency Initiative)

Nitong linggo lamang, lumikha ng ingay ang pahayag ni DFA Sec. Teddy Locsin Jr. na atin ang teritoryo sa kanlurang bahagi ng bansa at dapat raw na umalis ang mga banyagang umuokopa nito.