DIPOLOG CITY – Ibinahagi ng isang pinay teacher sa Vietnam na sa gitna ng hirap na dinaranas ng bawat isa na apektado sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) ay hindi nawawala ang pagtutulungan ng mga Pinoy.
Sa panayam ng Star FM Dipolog kay International Correspondent Josabel Bayron, tubong Dapitan City, inihayag nitong tulong-tulong umano ang mga Pinoy sa pamimigay ng relief goods sa kapwa OFW na lubhang nangangailangan ng ayuda lalo sa ang mga katulad niyang guro na siyang pinakaunang naapektuhan nang magdeklara ng lockdown ang Vietnam.
Aniya, ang Samahan ng mga Pinoy (SAPI) sa Vietnam ang nanguna sa pag-solicit ng relief goods mula sa mga may kayang miyembro maliban pa sa pag-update sa bawat isa sa mga ipinapatupad na batas o implementasyon mula sa gobyerno.
Ang grupong ito ay kinabibilangan ng mga guro, musicians, domestic helpers at company workers at siya ring unang kinokontak ng Philippine Embassy.
Ibinahagi naman nito ang karanasan sa bansang Vietnam ay bilib umano siya sa striktong pagpapatupd ng bansa sa mga protocol hinggil sa pagpigil sa pagkalat ng COVID-19.
Sinabi pa nitong ang pagiging disiplinado umano ng mga tao ang naging dahilan upang mapigilan ang paglobo pa ng bilang nga mga nahawaan.
Nabatid na ang Vietnam ay malapit sa lang sa China kung saan nagmula ang nakamamatay na virus ay walang casualty.
Mayroon lamang 270 na bilang ng mga kumpirmadong kaso at 220 sa mga ito ay cleared na sa virus.
Sa ngayon dalawang tao lamang ang pinapahintulutang lumabas para mamili ng mga pangunahing pangangalingan.
Nagpasalamat na man si Bayron na sa gitna na work stoppage sa lugar lalo na kagaya nyang guro ay meron pa rin naman umano syang pinagkakakitaan dahil may mga online classes pa rin siya.
Wala rin umanong nangyayaring panic buying dahil sapat ang pagkain, medical supplies at iba pa sa gitna ng world crisis dahil sa COVID-19 sa bansang Vietnam.
Sa pinakahuling impormasyong ipinarating ni Bayron simula sa April 23 ay lifted na umano ang social distancing protocol at possibleng ibalik na ang pasukan sa eskuwela sa May 3, 2020.
Pero aniya, hindi naman umano sila nagpapakampante at nanatiling maingat kahit paman niluwagan na ang ilang guidelines sa Vietnam.
Sa ngayon ay hinihintay pa nila ang official na pahayag ng Vietnam government hinggil sa naturang impormasyon.