Iniulat ng Vietnamese state media ang pag-atake na nangyari umano sa isang Vietnamese fishing boat habang ito ay nasa bisinidad ng West Philippine Sea.
Batay sa report, sampung crew ng naturang banka ang nasaktan; tatlo sa kanila ay nabalian ng mga kamay at paa.
Lumalabas sa report na naglalayag ang naturang banka malapit sa Paracel Islands nang mangyari ang pag-atake. Gayonpaman, hindi pa natutukoy kung sino ang may kagagawan sa naturang pag-atake.
Ang Paracel Islands ay may layong 400km mula sa silangan ng Vietnam. Kapareho rin ang distansiya nito mula sa pinakamalapit na dalampasigan ng China.
Ang dalawang bansa ay kapwa may claims sa naturang maritime feature ngunit ang China ang mayroong kontrol dito.
Sa kasalukuyan ay wala pang inilalabas na opisyal na pahayag ang Vietnam at China ukol sa insidente.
Ang naturang maritime feature ay dati nang pinag-awayan ng dalawang bansa kung saan noong 1970’s ay nagkaroon ng naval conflict sa pagitan ng mga ito na naging daan para tuluyan itog makubkub ng China.
Sa kasalukuyan, mayroong maliit na pwerto ang China sa naturang lugar, kasama na ang ilang mga building, helipad, at radar.