Inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration ang isang babae na Vietnamese national matapos nitong magsungit sa mga immigration officer sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3.
Kinilala ang babae na si Ban Thi Van, 19 anyos, na sasakay sana ng flight patungo sa Hanoi, Vietnam.
Gayunpaman, sa pagsasagawa ng inspeksyon, agresibo niyang inagaw ang kanyang pasaporte mula sa opisyal ng imigrasyon at nagdulot ng eksena sa pamamagitan ng pagbagsak ng sarili sa sahig at pagsigaw.
Ayon sa BI, ini-stream niya ang kanyang outburst sa social media, at nagdulot ng kaguluhan sa immigration departure area.
Humingi ng tulong ang mga opisyal sa border control at intelligence unit ng BI gayundin sa airport police at Philippine National Police (PNP) aviation security group.
Ang mga babaeng opisyal at pulis ay idineploy upang patahimikin ang babae, na kalaunan ay inaresto dahil sa kanyang unruly behavior.