-- Advertisements --
Sisimulan sa buwan ng Marso ng Vietnam ang kanilang COVID-19 vaccination program.
Uunahan nilang babakunahan ang mga frontline healthcare staff at mga may edad.
Inaasahan kasi na tatanggap ng 60 milyon doses ng bakuna ngayon taon mula sa COVAX scheme ng World Health Organization (WHO).
Nakatakda na rin kasing dumating sa bansa ang 204,000 na doses ng AstraZeneca vaccine sa Pebrero 28.
Nakahanda na rin ang paglalagyan nila ng mga bakuna na matatagpuan sa Hanoi, Ho Chi Minh City at Danang.