-- Advertisements --

BACOLOD CITY – Bina-validate ngayon ng Philippine Army ang lumalabas na impormasyon na may vigilante group na nago-operate sa Negros Oriental na siyang pumapatay sa mga miyembro at supporters ng New People’s Army.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Belen Alipan, misis ng pinatay na si Punong Barangay Romeo Alipan ng Barangay Buenavista, Guihulngan City, sinabi nito na napabilang dati ang pangalan ng kanyang mister sa mga papatayin dahil hindi ito sumusuporta sa gobyerno.

Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo kay 303rd Infantry Brigade commander Brigadier General Benedict Arevalo, itinanggi nito na militar ang responsable sa krimen.

Ayon kay Arevalo, nakatanggap sila ng impormasyon na may vigilante group na nakabase sa Negros Oriental na siyang pumapatay sa mga NPA dahil kontra sila sa komunistang grupo.

Sa ngayon ayon sa Army commander, hindi pa matukoy ang miyembro ng vigilante group.

Ngunit kanyang pinapangako na iimbestigahan nila ang paglabas ng nasabing grupo habang sinisikap na maubos ang NPA members.

Nakaraang araw ng inutusan ni Arevalo ang commander ng 94th IB na higpitan ang pagbantay Guihulngan City.