-- Advertisements --

basilanakg2

Arestado ng PNP Anti-Kidnapping Group ang isang barangay captain sa Sumisip, Basilan.


Ayon kay PNP AKG Director Police Brigadier General Jonnel Estomo, naaresto si Marang Barangay Captain Jamiron Ajijon alyas Jamiron Amigos sa bisa ng warrant of arrest dahil sa kasong murder kaugnay sa pagpatay sa mayamang negosyante sa Basilan noong Setyembre 2004.

Nakuha rin sa kanya ang isang A2 M16 5.56, isang cal.45 Armscor at magazine.

Bukod kay Ajijon, nahuli rin si Bassel Ajijon Eting, miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team matapos makuhaan ng isang A1 M16 rifle, magazine at mga bala.

basilanakg1

Napag-alaman din na si Ajijon ay lider ng gun-for-hire group na City Hunter sa Basilan at may koneksyon umano sa Abu Sayyaf sub-leader na si Fuji Indama at dalawang iba pa.

Dinala na sa Camp Brigadier General Batalla sa Zamboanga City ang mga naaresto para sa booking procedures at proper disposition.

Sa kabilang ako, ayon naman kay PNP AKG Spokesperson Maj. Rannie Lumactod, ang pagkakaaresto sa dalawang suspek ay joint operation ng PNP AKG, Special Action Force (SAF) at Basilan Police Provincial Office.