-- Advertisements --
Hindi na si Executive Secretary Salvador Medialdea ang mamumuno sa Task Force na pinalikha ni Pangulong Rodrigo Duterte na siyang tututok sa ikakasang rehabilitation efforts ng pamahalaan.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, sina Public Works and Highways Sec. Mark Villar at Environment Sec. Roy Cimatu na ang mangangasiwa sa task force.
Ayon kay Sec. Roque, ito ay ilan sa mga binago sa Executive Order na lumilikha sa “Build Back Better Task Force.”
Ang pagbabago ay ginawa umano batay na rin sa siyensya.