Nilinaw ni Senadora Cynthia Villar ang kumakalat ngayon na video kung saan kinompronta nito sa loob mismo ng simbahan si Las Pinas Councilor Mark Anthony Santos.
Si Santos ang makakalaban ni Villar para sa pagkakongresista ng Las Pinas para sa 2025 elections.
Sa kuha mula sa simbahan sa Las Pinas City, pinuntahan ni Villar si Santos sa kinauupuan nito sa isang simbahan.
Diumano ang simbahang pinangyarihan ay sa Our Lady of Fatima Church sa Brgy. Pamplona Dos sa Las Piñas.
Ngunit sa panayam, nilinaw ni Villar na hindi naman daw niya sinugod ang konsehal.
Paliwanag ng senadora, sila raw ang nagbabayad sa media para siraan ang pamilya Villar.
Nilapitan daw niya ito at sinabing huwag nang batiin kung sisiraan lamang din ang kanilang pamilya.
Nagkomento rin ang senadora sa umano’y bashers nito na natatanggap matapos kumalat ang video.
“Siyempre, I like to believe na ang laki ng performance ko. Kaya wala naman silang magagawa kundi gawin ‘yon,” ani Villar.