-- Advertisements --
Isinusulong ni Senate committee on agriculture and food chairperson Sen. Cynthia Villar na maimbestigahan ang paggamit ng P10 billion na nakalaan para sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF).
Sa ilalim kasi ng Republic Act 11203, ang nakokolektang taripa mula sa pag-angkat ng bigas ay dapat ilaan sa mga programang makakatulong sa mga magsasaka na makakatulong sa pagpapalago ng kanilang produksyon.
Pero noong 2018 ay natiuklasan daw na mula sa P5 billion na nai-release ng Department of Budget and Management (DBM) ay P1 billion lamang ang nagkaroon ng wastong disbursement.
Nababahala si Villar na mapunta ito sa korapsyon at masayang ang tunay na layunin ng programa.