Matapos ang matagal na tie-up kasama si Sen. Grace Poe, nasolo na ng re-electionist na si Sen. Cynthia Villar ang top spot sa huling survey ng Pulse Asia para sa halalan ng mga senador.
Nakalikom ng 55.9-percent si Villar mula sa 1,800 registered voters na sumagot sa naturang survey.
Pumangalawa naman si Poe sa 47.7-percent mula sa 50.5-percent noong Abril.
Pasok din sa Magic 12 ng survey sina Taguig Cong. Pia Cayetano, Bong Go, Bong Revilla, Lito Lapid, dating PNP chief Ronald Dela Rosa, Sen. Sonny Angara, Ilocos Norte Gov. Imee Marcos, Sen. Nancy Binay, Sen. Koko Pimentel, at Sen. JV Ejercito.
Habang humahabol sa 13th hanggang 15th spot sina dating Jinggoy Estrada, Sen. Bam Aquino at Francis Tolentino.
Ayon sa Pulse Asia, may margin error na +/-2.3 percent ang kanilang 95-percent confidence level sa resulta.
“5.8 percent of Filipinos who are registered to vote in the coming midterm elections refused to fill up the sample ballot used [in] this survey.”