-- Advertisements --

Inindorso ng ilang grupo ang beteranang actress na si Vilma Santos para maging National Artist for Film and Broadcast.

Nanguna ang grupong Aktor PH at 20 mga organisasyon at indibidwal mula sa sektor ng edukasyon at entertainment para sa endorsement kay Vilma.

Sinabi ni Aktor PH board member Dingdong Dantes na maraming mga pagkilala at acting awards ang nakamit ng beteranang actress mula sa iba’t-ibang pelikula gay ang “Darna”, “Dyesebel” , “Anak” at maraming iba pa.

Sa ngayon ay wala pa silang pormal na komunikasyon sa tinaguriang “Star for All Season”.

Matapos ang pagiging artista ay pumasok ito sa pulitika na.