-- Advertisements --

Nakalagak na ang mga abo ng ina ni Vilma Santos sa Loyola Memorial Park sa Parañaque City.

Ito’y kasunod ng pag-cremate sa labi ni Gng. Milagros T. Santos, ilang araw lamang matapos sumakabilang-buhay nitong April 1 sa edad na 93.

Ayon sa tinaguriang “Star For All Seasons,” plano nila na magsagawa ng huling misa sa darating na Sabado, Abril 6, bago dalhin ang urn sa isang simbahan sa Alabang.

Ipapakuha na rin aniya nito ang mga buto ng ama na una nang inilibing sa Loyola noong 1986 upang maitabi sa urn ng kanyang ina.

Tanggap naman daw ni ate Vi ang sitwasyon dahil noon pa man ay marami na ang nagsasabing paghandaan nito ang takdang araw lalo’t matanda na ang kanyang ina.

“You know, kahit sinasabihan ka, iba pa rin pag nangyari na. Hindi ganun kadali when nandoon ka na sa realidad na wala na siya,” pag-amin ng kinatawan ng Lipa City.