-- Advertisements --

Kinumpirma ngayon ng singer-actress Vina Morales na hiwalay na sila ng non-showbiz boyfriend na si Andrew Kovalcin.

Hindi na nagbigay pa ang singer-actress ng sanhi ng kanilang hiwalayan.

Dagdag pa nito na masaya siya ngayon habang walang karelasyon.

Ipinapaubaya na lamang niya sa panahon kung mayroong darating na magmamahal sa kaniya.

Hindi aniya tulad ng ibang babae na kapag nakapaghiwalay ay labis na ang kanilang kalungkutan.

Taong 2023 ng magsimulang isapubliko ng dalawa ang kanilang relasyon sa pamamagitan ng pagpost ng mga larawan nila sa social media.