-- Advertisements --

Hinirang bilang NBA Sportmanship Award si retired Atlanta Hawks star Vince Carter.

Nahigitan ng 43-anyos na NBA star ang 30 iba pa kung saan nakakuha ito ng 2,520 points.

Pumangalawa sa puwesto naman si Garrett Temple ng Brooklyn Nets habang nasa pangatlong puwesto si Steven Adams ng Oklahoma City Thunder.

Magugunitang noong Hunyo ng nagpasya itong magretiro matapos ang paglalaro ng 22 seasons ng NBA.

Naging number 5 pick ito sa 1998 NBA draft kung saan nakuha nito ang Rookie of the Year at naging eight-time All-Star.