-- Advertisements --

Bumandera ang pangalan nina Vince Carter, Chauncey Billups at Seimone Augustus sa 14 finalist ng 2024 Naismith Basketball Hall of Fame.

Kasama rin sa listahan sina Wisconsin coach Bo Ryan at Jerry West sa contributor category.

Si Carter ang tanging manlalaro na naglaro sa NBA sa apat na magkakaibang dekada.

Nagkaroon ito ng malaking impact sa Toronto Raptors na naging unang star player ng koponan.

May average ito na 16.7 points kada laro sa Raptors at Nets.

Nagwagi ito sa Slam Dunk Contest noong 2000 at ninth-most 3-pointers sa kasaysayan ng liga.

Nakatakdang isagawa ang anunsiyo sa Abril 6 sa Phoenix kung saan gagawin ang awarding sa Agosto 16-17 sa Springfield, Massachusset.