-- Advertisements --

5 feet 8 inches at 5 projective na parehong vintage bomb, nahukay sa magkaibang lugar sa Davao City
Unread post by bombodavao » Fri Nov 25, 2022 4:36 am

DAVAO CITY – Nakulantang ang mga residente sa Matina Pangi, Davao City dahil sa natagpuang vintage bomb sa gilid mismo ng kanilang daan sa purok 7-A, Silca, Matina Pangi, Davao City. Una rito, habang nagsasagawa ng paghuhukay para sa box culvert si Carlito Casumpang Jr., 43 angyos na resident sa General Santos City at backhoe operator ng GEMMA Construction, kasama sa kanyang nahukay ang animoy malaking bakal na kinakalawang na.

Nang mapagtanto nito na isang vintage bomb ang nahukay, kaagad siyang nagpatawag ng tulong sa kapulisan. Napag alaman ng rumespunding Explosive Ordnance Division o EOD team na hindi pa sumabog ang naturang bomba na pinaniniwalaang sa panahon pa ng mga hapon.

Kung kaya’t kaagad na sinilyohan gamit ang bunot ng niyog at duck tape ang disruptor point ng vintage point at dahan-dahan itong ikinarga sa backhoe para sa safe disposal.

Napag-alamang nitong nagdaang araw ay nakahukay din ang backhoe operator sa Emperial Warehouse sa Sitio Awa, Catalunan Grande, Davao City ang 5 UXO 7mm projectile na tinatayang nasa 6 na kilos ang bigat ng bawat isa. Sa kasalukuyan ay nasa pangangalaga na ng EOD Davao ang naturang mga bomba habang inaantabayan ang approval para sa proper disposal.