-- Advertisements --

Umaabot sa halos dalawang kilo ang bigat ng isang vintage bomb na nahukay ng mga residente sa Barangay Caigon, Maasin, Iloilo.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Police Corporal Erwin Magarzo, spokesperson ng Iloilo Police Provincial Office (IPPO), sinabi nito na na-recover ang vintage bomb matapos naghukay ng lupa sa lugar kung saan may ongoing construction ng isang bahay.

Ayon kay Magarzo, maswerte lamang na hindi ito nahawakan ng mga tao sa lugar dahil sa kabila ng kalumaan nito, posible pa rin umanong sumabog.

Tinataya ng Explosive and Ordinance Division (EOD) na katumbas sa pwersa ng dalawang granda ang pwersa ng naturang vintage bomb.

Sa ngayon, nasa possession na ng EOD ng IPPO ang nasabing vintage bomb.