-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Laking gulat ng mga residente sa Barangay Aroman Carmen Cotabato nang matagpuan ang isang vintage bomb.

Ayon kay Carmen Chief of Police Lieutenant Colonel Rey Salgado na nakita ng ilang mga kawani ng Philippine Coconut Authority (PCA) ang isang Unexploded Ordnance o vintage bomb sa loob ng kanilang compound.

Mabilis namang nagresponde ang mga pulis at kinordon ang kinalalagyan ng bomba.

Ligtas namang kinuha ng mga tauhan ng Explosive Ordnance Disposal Team ng Philippine Army at PNP ang vintage bomb.

Sa ngayon ay inaalam pa ng Carmen PNP kung paano napunta doon at kung sino ang posibleng naglagay ng bomba.