-- Advertisements --

LEGAZPI CITY- Dinala na ng mga otoridad sa Camp Simeon Ola ang nadiskubreng vintage bomb mula sa sa Brgy. Tomolin, Ligao City, Albay.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay PCpt. Dexter Panganiban, hepe ng Ligao PNP, pinag-aaralan na ng explosive ordinance division kung papano ang gagawing disposal sa nasabing vintage bomb na nabatid na isang Japanese cartridge 75mm HE.

Nakuha ang naturang bomba habang gumagawa ng hukay sa compound ng bahay na pagmamay-ari ni Ma. Theresa Orante, na siya na nagreport sa mga otoridad.

Abiso naman ng opisyal sa mga residente na agad na humingi ng tulong sa mga otoridad sakaling makakita ng vintage bomb dahil malaki pa rin umano ang posibilidad na sumabog ito kahit matagal ng nakabaon sa lupa.