-- Advertisements --
Hindi bababa sa 10 katao ang patay matapos ang pagbagsak ng World War II-era B-17 bomber sa Bradley International Airport sa Connecticut.
Mayroong 13 katao, 10 pasahero at tatlong crew members ang sakay ng vintage Boeing B-17 Flying Fortress ng ito ay bumagsak sa dulo ng runway ng paliparan.
Sinabi ni Connecticut State Police Commissioner James Rovella, hindi pa malinaw kung lahat ba ng mga katao na lulan ng eroplano ay patay.
Ayon naman sa Federal Aviation Administration na ang eroplano ay nakarehistro sa isang sibiliyan at matagal ng hindi pinapalipad ng military.