DAVAO CITY – Inaasahang ipapatupad ang maximum security sa mga malalaking personalidad na bibisita sa Davao City para sa ika-86 na edisyon ng Araw ng Dabaw.
Kinumpirma ni Davao City Police Office Spokesperson Police Major Catherine dela Rey na inihahanda na ng kapulisan ang magiging VIP security suite para kina former president Rodrigo Duterte at Vice President Sara Duterte sa inaasahang pakikilahok sa naturang charter day ng lungsod.
Dagdag pa ng opisyal, ihahatid rin ang parehong VIP security sa mga naglalakihang personalidad na magiging saksi sa mga isasagawang programa ng taunang selebrasyon.
Una nang kinumpirma ang partisipasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, ngunit diumano’y wala pang tugon sa imbitasyon ang kasalukuyang Bise Presidente niyang anak na si Sara Duterte.
Samantala, nilalayon ngayon ng Davao City Police Office ang zero incident sa isang buwang selebrasyon ng Araw ng Dabaw sa pamamagitan ng ipinapanukalang kautusan ni DCPO Director Colonel Alberto Lupaz sa buong Pulis Dabaw.
Paglilinaw naman ng kapulisan na wala namang gun ban na ipinapatupad sa kasalukuyan ngunit minamanmanan na ngayon ng DCPO ang mga nagmmay-ari ng mga armas.