LEGAZPI CITY – May sinusundang nang anngulo ang Virac Municipal Police Station sa pananaksak-patay sa public school teacher sa lalawigan ng Catanduanes.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay PCpl. Liza Millete, tagapagsalita ng Virac PNP, kabilang sa mga iniimbestigahan ang nakainuman ni Donn Carlos Bagadiong, 28-anyos, na nagtuturo sa Catanduanes National High School.
Maliban sa nadiskubreng patalim na pinaniniwalaang ginamit sa krimen, nakita rin ng kapulisan ang mga bote ng alak.
Nabatid na mag-isa lamang ang biktima sa dalawang palapag nitong bahay.
Nadiskubre ang duguang katawan ng biktima na karamihan ang fatal wounds na nasa ulo, ng isa sa mga kamapg-anak nito ng magtungo sa bahay upang kumpirmahin ang sitwasyon nito matapos hindi sumagot sa mga tawag.
Nakatakda sanang mag-host sa isang event si Bagadiong sa mismong araw ng pagkakadiskubre ng bangkay nito.
Pinaghahanap na ngayon ng mga otoridad ang nawawalang cellphone ng biktima matapos ang krimen subalit wala nang ibang nawawala sa bahay nito.