-- Advertisements --
Kasalukuyan nang iniimbestigahan ng Department of Environment and Natural Resources ang viral na video ng paghablot ng dalawang vlogger sa dalawang tarsier na nasa isang sanga sa bahagi ng South Cotabato.
Ito ay matapos na makatanggap ng report ang monitoring and enforcement team ng kanilang ahensya sa Soccksargen ukol dito makaraaang umani ito ng samu’t saring reaksyon mula sa netizens.
Makikita kasi sa naturang video na tila pinagkakatuwaan at pinaglalaruan ng dalawang lalaki ang mga tarsier na noo’y nagpapahinga lamang sa isang sanga.
Samantala, sa ngayon ay napakawalan na raw muli ang mga ito ngunit gayunpaman ay kasalukuyan pa ring tinitignan ngayon ng DENR ang kaukulang mga hakbang na kanilang gagawin hinggil sa naturang insidente.