-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Malaki ang pasasalamat ng mag-live in partner na sina Gary de la Cruz at Lourdes Chuneri sa Bombo Radyo dahil hindi sila nabigo sa kanilang paglapit upang matulungan na maka-uwi na ng Guimaras matapos ang mahigit tatlong buwang pagpapadyak, makita lamang ang bunsong anak ni Nanay Lourdes na halos dalawang dekada ng hindi niya nakita matapos itinanan.

Ayon sa dakilang ina, magpapadyak pa sana sila patungong Cagayan de Oro City kung hindi sila lumapit sa Bombo Radyo na syang naging daan upang mas mas mapagaan ang kanilang paglalakbay.

Ito’y dahil sinagot ng Butuan City Police Office ang kanilang pamasahe sa barko patungong Cebu City kungsaan sila sasakay naman ng barko patungong Iloilo City.

Nag-convoy pa ang mga pulis nitong lungsod kasama ang mga police bikers sa paghatid sa dalawa upang matiyak ang kanilang ligtas na biyahe.

@