-- Advertisements --

Mariing pinabulaanan ng pamunuan ng East Avenue Medical Center (EAMC) sa Quezon City na kuha sa kanilang ospital ang kumakalat na video sa social media kung saan makikita ang cadaver bags na nagkalat sa sahig.

Nagpadala ng liham ang ospital kay Deaprtment of Health Usec. Gerardo Bayugo upang itanggi na ang video ay kuha sa loob ng EAMC.

Nakasaad sa liham, ang floorings at furnishing sa video ay iba sa kanilang pasilidad.

Marami ring katawan na nakita sa morgue sa video, gayong ang morgue ng EAMC ay limang bangkay lang ang kapasidad.

Ayon sa EAMC, ang mga bangkay na hindi na kasya sa morgue ay inilalagay sa cadaver bags at saka inilalagay sa stretcher, hindi gaya ng nasa video na nasa sahig ang mga bangkay.