Nagkaroon na ng kasunduan sa pagitan ng Virgin Australia Holdings at Boeing Company na pansamantala munang ititigil ang pagdedeliver ng US planemaker sa mga Boieng 737 MAX 8.
Noong nakaraang buwan lamang ay sinuspinde ng Australia’s civil aviation safety authority ang pagpapalipag ng mga Boeing 737 MAX aircrafts sa Australia kasunod ang malagim na pagbagsak ng dalawang Boeing aircraft models sa Indonesia at Ethiopia.
Sa inilabas na pahayag ni Virgin Chief Executive Paul Scurrah, sinabi ni na hindi muna pahihintulutan ng airline ang bagong modelo ng eroplano hanggang sa tuluyan nang maging sigurado ang
kaligtasan nito.
Una ng ipinangako ni Boeing CEO Dennis Muilenburg na gagawin nito ang lahat ng kanyang makakaya upang maibalik ang tiwala ng mga airline companies sa kanilang eroplano.