-- Advertisements --
Nagpositibo sa coronavirus si Virginia Governor Ralph Northam at asawa nito.
Ayon sa opisina nito, unang nadapuan ng virus ang isang staff nito sa kanilang bahay.
Sa kasalukuyan ay asymptomatic ang gobernador habang may-bahay nito ay mayroong mild symptoms kaya sila ay kasalukuyang naka-isolate.
Siya ang pangalawang US Governor na nagpositibo sa virus na ang una ay si Missouri Governor Mike Parson na nadapuan rin ng virus noong nakaraang mga araw.
Ang pagpositibo ng Viriginia governor sa virus ay ilang araw bago ang nakatakdang campaign rally ni US President Donald Trump kung saan pinapalimitahan na lamang ng Virginia health office ng hanggng 250 katao ang dapat dumalo sa nasabing pagtitipon.