Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad upang matukoy ang rason sa likod ng naganap na walang habas na pamamaril sa Virginia Beach, Virgina.
Umakyat na sa 13 ang naitalang patay, kasama na rito ang suspek na nabaril matapos nitong makipagpalitan ng bala sa mga otoridad.
Nakita sa tatlong palapag ng municipal center ang mga bangkay samantala ang isang biktima naman ay natagpuan sa loob ng kanyang sasakyan.
Apat sa mga biktima na ito ay kasalukuyang sumasailalim sa surgery.
Kinilala ang suspek na si DeWayne Craddock, 40-anyos, at isang certified professional engineer sa public utilities department nang nasabing lugar.
Nakalagay din ang kanyang pangalan bilang point of contact para makakuha ng impormasyon ang mamamayan patungkol sa local road projects.
Ngunit noong 2013 ay nadawit ito sa isang motor vehicle violation.
Nagsilbi si Craddock sa Army National Guard noong 1996 pagkatapos nitong pumasok sa Denbigh High.
Narekober ng mga pulis mula sa biktima .45 kalibre ng baril na may kasamang bala at suppressor.
Nabatid din ng mga otoridad na binili ng iligal ang ginamit nitong mga armas.