Tiniyak ng pamahalaan na hindi lamang magiging limitado sa human health concerns ang Virology and Vaccine Institute of the Philippines (VIP) building kundi tutugunan din nito ang mga virus na nakakaapekto sa animal at plant health.
Sa isang pulong sa Malakanyang na dinaluhan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sinabi ni Department of Science and Technology (DOST) Secretary Renato Solidum Jr. na nangangailangan ang VIP ng P680 milyon para maisulong ang mga plano nito, kabilang ang pag-develop ng mga bakuna para sa tao, hayop at halaman.
Dahil walang nakalaang alokasyon para sa VIP sa ilalim ng 2025 national expenditure program ng Department of Public Works and Highways (DPWH), tiniyak ni PBBM na magkakaroon din ito pondo.
Inaasahan na ang pasilidad na ito ay magiging pundasyon ng research & innovation sa human, animal at plant viruses.