CEBU CITY – Inaabangan na ng mga Cebuano ang virtual celebration ng Sinulog 2021 ngayong hindi na matutuloy ang mga actual performances dahil sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Niel Odchigue ng Sinulog Executive Committee na magkakaroon pa rin ng opening salvo sa umaga at susundan naman ito ng recorded performances ng mga contingents kabilang na ang ilang Filipino community sa ibang bansa.
Sa naganap na press conference ng mga organizers, inihayag ni Odchigue na ipapalabas sa darating na Enero 17 ang “best-of-the-best” performances ng mga Sinulog contingents sa nakaraang mga taon.
Masasaksihan din ang Sinulog performance ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia mula sa Provincial Capitol.
Buong araw magaganap ang nasabing selebrasyon at ipapalabas ito sa pamamagitan ng livestreaming platforms.
Maalalang kinansela ng organizers at lokal na pamahalaan ang lahat ng actual performances ng Sinulog Festival dahil sa lumolobong bilang ng mga nahawaan ng coronavirus sa lungsod ng Cebu.